UNO
Two Masters of Martial Arts...
Two Assassins...
But there could only be one...
Ronnie Ricketts and Monsour del Rosario star in UNO, a 2005 box office hit.
Hindi kataka-taka kung nasa likod man ni Ronnie Ricketts hindi lamang ang maraming taga-industriya ng pelikula kundi maging ang SM na buo ang gagawing suporta sa kanyang pelikulang Uno na magiging kauna-unahang pelikula na mapapanood sa taong ito ng 2005.
Inaasahan kasi na ang pelikula na prodyus ng Rocketts Productions ng aktor ay magpapausong muli ng action picture genre. May ilang panahon na ring walang ipinalalabas na local action movie dahilan sa napakalakas na kumpetisyon na ibinibigay dito ng mga pelikulang dayuhan, lalo na yung mga yaring Hollywood.
Ang Uno na nagtatampok kay Ronnie Ricketts at Mon del Rosario ay tungkol sa dalawang assassin na parehong kilala sa kanilang trabaho. Nagkaro'n ng conflict nang magka-engkwentro silang dalawa, kailangang mapatay ang isa sa kanila. Ito ay magaganap in gripping suspense and thriller.
Tampok din sa pelikula sina Danica Sotto, Ricardo Cepeda, Dinky Doo, TJ Trinidad, John Apacible, Cheska Garcia, Bruce Ricketts at marami pang iba.
Watch the UNO Trailer here!
Exclusive Photos from the making of UNO here!
|